2 dayuhang nanghalay ng mga bata, timbog sa Baguio

Randy Jainar, ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2016 11:07 AM

MANILA - Inaresto ng mga pulis ang dalawang dayuhang sangkot umano sa panghahalay sa dalawang menor de edad sa Baguio City.

Nakuha rin sa hotel room ng mga suspek ang siyam na pakete ng marijuana.

Nagpakilalang taga-Dubai ang mga naarestong sina Waleed at Abdhelraman.

Ayon sa security head ng hotel, nagreklamo ng panggagahasa ang dalawang 16-anyos na babaeng kasama ng mga foreigner.

Sinasabing galing pa sa Tondo, Maynila ang mga dalagita. Nasa pangangalaga na sila ng women's desk ng Baguio City police.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang dalawang dayuhang nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at trafficking in persons.

Isinailalim na sila sa drug test.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.