PatrolPH

Presyo ng petrolyo tataas sa Agosto 3

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2021 12:20 PM | Updated as of Aug 02 2021 07:33 PM

(UPDATE) Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, muli na namang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Agosto 3. 

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Caltex, Total, Phoenix Petroleum, Petron, PTT Philippines at Flying V, P1.05 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.80 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Caltex, Petron at Flying V ng P0.75 taas-presyo sa kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-4:01 ng hapon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.