PatrolPH

Lalaki sa Capiz pinagsasaksak sa harap ng pamilya; suspek timbog

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2021 06:21 PM

DAO, Capiz - Patay ang isang lalaki sa Dao, Capiz nitong Linggo ng hapon matapos siyang saksakin sa Barangay Lacaron sa harap mismo ng kaniyang mag-ina.

Nakilala ang biktima na si Ramon Delfin, 29.

Sa imbestigasyon ng Dao police, nakasakay ang biktima sa kanyang motorsiklo kasama ang asawa at ang menor de edad na anak nang harangin sila ng suspek.

Nagkaroon ng pagtatalo ang Delfin at ang suspek hanggang sa bumunot ng kutsilyo ang suspek at pinagsasak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.

Mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Dao police at nahuli ang isang 65 taong gulang na lalaking suspek.

Nasa kustodiya na ng Dao police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

Napag-alaman na parehong naka-inom ng alak ang suspek at ang biktima nang mangyari ang insidente.


—Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.