PatrolPH

Iloilo City Hall bukas para lang sa mga fully vaccinated

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2021 01:01 PM

Iloilo City Hall bukas para lang sa mga fully vaccinated 1
Tanging mga taong fully vaccinated laban sa COVID-19 lang ang pinapayagang makapasok sa Iloilo City Hall simula Agosto 2, 2021. Retrato mula kay Arnlod Alamacen, CMO

Tanging mga fully vaccinated na empleyado at residente lang ang papayagang makapasok sa Iloilo City Hall simula ngayong Lunes bilang pag-iingat sa banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Kailangang dalhin at ipakita ang vaccination card kapag magsasagawa ng transaksiyon sa loob ng city hall, ayon sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sana'y maunawaan ng mga Ilonggo ang desisyon niyang limitahan ang mga pumapasok sa munisipyo.

Umapela rin si Trenas sa publiko na wala namang importanteng gagawin ay ipagpaliban na lang muna ang paglabas ng bahay at nagpaalalang ipinagbabawal pa rin ang mass gathering.

Ayon sa Department of Health-Western Visayas, may 1 kaso ng Delta variant sa Iloilo City, na kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Sa kabuuan, nakapagtala ang Iloilo City ng 13,743 kaso ng COVID-19, kung saan 1,352 ang active cases o may sakit pa rin, base sa tala noong Linggo.

— Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.