PatrolPH

Higit P7-M halaga ng 'shabu' nakumpiska sa Calapan City

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2021 01:00 PM

Higit P7-M halaga ng 'shabu' nakumpiska sa Calapan City 1
Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Agosto 1, 2021. Retrato mula sa Mimaropa police

Aabot sa higit P7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang itinuturing na "high-value individual" sa buy-bust operation sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si alyas "Larry," 46 anyos at residente ng Malabon City.

Ayon sa pulisya, nahuli si "Larry" sa may Barangay Suqui matapos bentahan ang isang operatiba ng 1 pirasong sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P15,000.

Nakuha kay "Larry" ang 53 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P7.1 milyon.

Nasa kustodiya na ng Calapan police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

— Ulat ni Andrew Bernardo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.