PatrolPH

Higit P7-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2021 11:18 PM

Higit P7 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Panabo City, Davao del Norte, Linggo ng hapon.

Dalawang lalaki ang nahuli sa naturang buy-bust sa Purok Tambis, Barangay Cagangohan matapos mabilihan ng mga awtoridad ng shabu.

Aabot umano sa kalahating kilo ang bigat ng ilegal na droga na nakumpiska mula sa kanila, at ito'y nagkakahalaga ng P7,650,000.

Ikinasa din ang isang operasyon sa Sitio Patulangon, Barangay Zone 1, sa Sta. Cruz kay “MayMay” na nagtatrabaho sa provincial capitol ng Davao del Sur.

Nakunan umano siya ng tatlong pakete na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P210,000.

Kinasuhan na ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.