Lalaki nalunod sa floodway sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2020 05:53 PM

Nalunod ang isang lalaki sa floodway sa Barangay Bito-on, Iloilo City noong umaga ng Linggo.

Pasado alas-9 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon ang rescue volunteer groups ukol sa insidente.

Sinuyod ng mga grupo ang floodway at inabot ng halos 2 oras bago natagpuan ang katawan ng 40 anyos na lalaki.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, nakainom ito nang tumawid ng floodway.

-- Ulat ni Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.