Bata patay nang magulungan ng bus sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2020 01:43 PM

Patay ang isang 2 taong gulang na lalaki matapos magulungan ng bus sa Tondo, Maynila gabi ng Sabado.

Ayon sa imbestigador na si Police Staff Sgt. Adrian Paguian, nakasakay ang bata sa tricycle na minamaheo ng kaniyang ama.

Nang biglang mag-U turn ang tricycle sa bahagi ng Yuseco Street, nahulog ang bata sa kalsada at nagulungan ng bus.

Hindi umano napansin ng bus driver na may bata sa kalsada.

Nakaditene ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.