PatrolPH

Tacloban, isinailalim sa state of calamity dahil sa dengue

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2019 07:36 PM | Updated as of Aug 03 2019 07:36 PM

Watch more on iWantTFC

Nagdeklara na ng state of calamity ang Sangguniang Panlungsod ng Tacloban dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit na dengue.

Ayon sa City Health Office, mula Enero hanggang Hulyo 26, nasa 750 na ang kaso ng dengue habang 8 naman ang namatay.

Mismong si Mayor Alfred Romualdez ang humiling sa Sangguniang Panlungsod sa pagdeklara ng state of calamity matapos ang rekomendasyon ni City Health Officer Dr. Jaime Opinion.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.