PatrolPH

IED sumabog sa pier sa Masbate

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2018 09:17 AM | Updated as of Aug 11 2019 12:13 PM

Watch more on iWantTFC

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa isang tulay sa pier site sa Barangay Bapor, Masbate City.

Batay sa inisyal na report na natanggap sa Camp Crame mula sa Masbate Police Station, dalawang lalaki ang nakitang nag-iwan ng improvised explosive device (IED) at pagkatapos nito ay naganap na ang pagsabog.

Walang nasugatan sa pagsabog pero isang bangka ang nawasak sa insidente.

Narekober sa blast site ang mga PVC pipe at SIM card.

Kasalukuyan pang nagiimbestiga ang mga pulis sa motibo ng pagpapasabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.