PatrolPH

Menor de edad patay nang madaganan ng mixer sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2022 10:47 PM

Kuha ng PROCOR 
Kuha ng PROCOR 

Isang menor de edad ang nasawi matapos siya madaganan ng mixer truck sa bayan ng Sablan, Benguet ngayong Lunes ng hapon. 

Base sa imbestigasyon ng Sablan PNP, dumadaan ang mixer sa kalsada nang mahulog ito sa 10-metrong lalim na bangin kung saan nagtatrabaho ang biktima. 

Matapos ang isang oras na rescue operation, na-recover ang menor de edad na idineklarang dead on the spot. 

Dalawa din sa mga kasama niya ang nasugatan sa insidente.

Nagpapagaling na sila sa ospital, ayon sa mga awtoridad.—Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.