PatrolPH

P8-M halaga ng shabu, nasamsam mula sa 2 drug suspects sa Panabo City

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2021 08:01 PM

PANABO CITY, Davao del Norte — Arestado sa drug buy-bust operation ng Panabo City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency Davao del Norte ang dalawang lalaki Linggo ng hapon sa Purok Tambis, Barangay Cagangohan, Panabo City.

Ang mga naaresto ay sina alyas Poloy, 40 taong gulang, at alyas Rannie, 35 taong gulang.

Narekober mula sa dalawa ang 12 na piraso ng pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, may timbang ang mga droga na kalahating kilo at nagkakahalaga ng P8 milyon.

Kasong paglabag sa Seksyon 5 at Seksyon 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.