PatrolPH

Magkapatid patay sa sunog sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2021 12:52 PM | Updated as of Aug 01 2021 06:03 PM

Magkapatid patay sa sunog sa Sorsogon 1
Nasunog ang ilang bahay sa Matnog, Sorsogon nitong Hulyo 31, 2021. Retrato mula kay Beverly Baroga

Patay ang magkapatid na babae matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Matnog, Sorsogon, gabi ng Sabado, ayon sa mga awtoridad.

May edad 18 at 11 ang magkapatid na pumanaw sa sunog sa Barangay Tablac.

Nakaligtas pero sugatan sa insidente ang ina ng mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), hindi na nakalabas ng kanilang bahay ang magkapatid dahil mabilis na sumiklab ang apoy malapit sa main door.

Posible umanong sanhi ng sunog ang nakasinding kandila na inilagay malapit sa mga nakatambak na galon ng gasolina sa kusina.

"Ang nangyari po, parang nagsalin ng gasolina 'yong nanay. Tapos parang natalsikan 'yong kandila, kaya nagkaroon ng explosion," sabi ni Senior Fire Officer 2 Ronnie Anonuevo, hepe ng BFP-Matnog.

Isa pang bahay ang nadamay sa sunog.

— Ulat ni Karren Canon

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.