PatrolPH

Lalaking namatay sa aksidente sa Roxas City, positibo sa COVID

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2021 12:10 AM

Lalaking namatay sa aksidente sa Roxas City, positibo sa COVID 1
Namatay din makalipas ang isang araw ang rider habang ginagamot sa ospital. Naaksidente ang rider nang matumba ang sinasakyang motorsiklo nito sa Roxas City. Larawan mula sa Roxas City Police

ROXAS CITY, Capiz - Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa Barangay Punta Tabuc sa nasabing lungsod, Huwebes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang 27-anyos na rider patungo sa lungsod ng Roxas. Pero natumba ang kaniyang motorsiklo pagdating sa nasabing lugar.

Napag-alaman na nakainom ng alak ang rider, ayon sa awtoridad.

Wala rin siyang suot na helmet nang mangyari ang aksidente.

Kaagad siyang dinala sa ospital ng rumespondeng Capiz Emergency Response Team pero makalipas ang isang araw ay pumanaw na rin.

Biyernes na nalamang nagpositibo sa COVID-19 ang rider matapos i-swab test sa ospital, dagdag ng awtoridad.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.