PatrolPH

Kagawad, kasabwat nakuhanan ng P3.4-M halaga ng shabu sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2021 12:47 PM

Kagawad, kasabwat nakuhanan ng P3.4-M halaga ng shabu sa Maguindanao 1
Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro region

Arestado ang isang barangay kagawad at isa pang lalaki matapos makuhanan ng higit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Sultan Mastura, Maguindanao, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro region, barangay official mula Lanao del Sur ang isa sa dalawa suspek na nahuli sa operasyon sa Barangay Tambo noong Biyernes.

Nakumpiska umano sa mga suspek ang 7 sachet ng shabu na nagkakahalagang P3.4 milyon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa Davao del Sur, arestado ang isang government employee sa buy-bust operation noong Sabado sa bayan ng Sta. Cruz.

Nakuha sa babaeng suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 14.64 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P219,600.

Kabilang umano ang suspek, na kakasuhan din ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa drugs watch-list ng pulisya.

— Ulat nina Chrislen Bulosan at Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.