Van sumalpok sa poste ng MRT sa Cubao

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 10:52 AM

Galing Isabela province ang van na may sakay na 3 pasahero nang maaksidente ito sa EDSA, Cubao sa Quezon City. Larawan mula kay MMDA Traffic Head Bong Nebrija 

 
MAYNILA - Bumangga ang isang umano'y kolorum na van sa concrete barrier bago sumampa sa center island at tumama sa poste ng MRT sa southbound lane ng EDSA approach ng Cubao tunnel sa Quezon City, Sabado ng umaga. 

Ayon kay Bong Nebrija, traffic head ng Metropolitan Manila Development authority (MMDA), kinilala ang driver na si Nowel Cancejo. May tatlo itong sakay na pasahero. 

Sa Facebook page ni Nebrija, sinabi niyang ito ang unang barrier-related accident para sa buwang ito.

Galing pa umanong Isabela sa Cagayan Valley ang van at posibleng dahil sa pagod kaya ito naaksidente. 

Napag-alaman pa na nangongolorum and driver dahil naningil ito ng P2,000 hanggang P2,500 sa bawat pasahero. 

Walang tinamong sugat ang driver at mga pasahero nito kaya’t hindi na sila nagpadala pa sa ospital.