Multa para sa maling pagtapon ng disposable masks pag-aaralan ng DENR

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 07:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Pag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources na pagmultahin ang mga hindi tama ang pagtapon sa mga disposable face mask. 

Sa harap ito ng panawagan ng ilang environmental groups sa publiko na gumamit na lang ng reusable o cloth mask imbes na disposable surgical mask, sa kasagsagan ng pandemya. 

“What we need to do now is enforce the law on waste segregation,” ani Environment Undersecretary Benny Antiporda. 

Paliwanag ni Marian Ledesma, campaigner ng GreenPeace Philippines, nakakasira sa kalikasan ang paggamit ng non-biodegradable o di nabubulok na disposable surgical mask. 

"They can really disrupt yung pagdevelop ng reefs, ng mga corals, and puwede sila kasing ma-ingest kasi ng mga hayop sa dagat," ani Ledesma. 

Giit naman ni Antiporda, hindi nila ididikta kung ano ang klaseng face mask na ipapagamit. 

Binigyang-diin din ng public health expert na si Susan Mercado na maaari namang gumamit ng kahit anong face mask basta’t may physical distancing. 

Hinikayat din niya ang paggamit ng face shield kapag nagko-commute. 

“In a common everyday life, if you are in enclosed setting, it adds one layer of protection for you. so encouraging the use of face shields is something that could help prevent transmission,” ani Mercado. -- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.