6 Chinese timbog sa buy-bust sa Subic; P6.8-milyong halaga ng shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 10:16 AM

MAYNILA - Arestado ang 6 na lalaking Chinese matapos mahulihan ng nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Subic Bay Metropolitan Authority, Olongapo City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, pinara ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga Chinese dahil wala silang validating sticker. Nakita ring hindi sila naka-seatbelt at wala pang lisensya ang driver ng sasakyan.

Nakuha sa sasakyan ng grupo ang nasa 1 kilo ng shabu, baril at mga personal na gamit.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at batas trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.