3 babaeng umano'y miyembro ng NPA, nahulihan ng armas sa N.Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2020 01:37 AM

CALATRAVA, Negros Occidental - Tatlong babaeng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng grupong New People's Army ang inaresto sa bayang ito Biyernes ng hapon.

Nahuli umano ang tatlo na nagsasagawa ng lectures sa kanilang mga supporter sa Barangay Minapasok.

Ayon kay Police Maj. Roberto Indiape Jr. ng Calatrava Police Station, na-recover sa kanila ang isang M-14 rifle, 3 revolver at 4 na rifle grenade.

Nakuha rin sa kanila ang 8 cellphones, mga gamot at mga subersibong dokumento.

Ayon kay Indiape, gumagamit ng pekeng pangalan ang mga babae kaya hindi muna nila pinangalanan ang mga ito.

Naka-alerto ngayon ang buong pwersa ang mga awtoridad sa Caltrava dahil nasa kanilang kustodiya ang tatlong babae.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.