Pulis, enforcer timbog sa pangongotong ng mga truck driver sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 04:00 PM | Updated as of Aug 01 2019 07:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA – Inaresto ng Philippine National Police ang isang bagitong pulis at lokal na traffic enforcer sa Makati sa pangongotong ng pera sa mga truck driver. 

Nahuli ang dalawang suspek sa isang entrapment operation nang tanggapin ang P600 marked money. 

Reklamo ng drayber na si Silverio Samson, naniningil ng P100 kada araw ang pulis, na nakatalaga sa station 2 ng Makati Police Station at isa pang traffic enforcer sa Dasmariñas Village. 

Giit ni Samson na kompleto naman ang kanilang mga papeles para dumaan sa lugar. Pero isang buwan na raw aniya silang sinisingil ng dalawa. 

Bukod sa kasong administratibo, kakasuhan sila ng robbery-extortion. 

--Ulat nina Zhander Cayabyab at Maan Macapagal, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.