Mga pari at parishioners nagsama para suportahan si Archbishop Villegas

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 05:57 AM

Joanna Tacason, ABS-CBN News

DAGUPAN CITY, Pangasinan—Nagsuot ng puting damit at sama-samang nagmisa sa St. John's Cathedral ang daan-daang parishioners bilang pagbigay suporta kay Archbishop Socrates Villegas at iba pang obispo at pari na isinasangkot sa sedition case dahil sa “Bikoy” narco list videos.

Nagdasal ang mga pari at mga Katoliko mula sa iba't ibang bayan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan bilang pagtuligsa sa kasinungalingan at panggigipit na ginagawa umano ng gobyerno sa mga pari at iba pang kritiko ng administrasyon.

Mapapansing hindi dumalo si Archbishop Socrates Villages sa misa.

Apela ng buong Archdiocese na ibasura ang kasong isinampa laban kay Villegas.

"It is our faith and democracy that we stand together in the belief that the sedition charges filed against our beloved Archbishop Soc and the other advocates of truth are unfounded and untrue and we hereby petition its dismissal," pahayag ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Matapos ang misa, sama-sama sa procession at may dalang placard ang mga pari bilang pagpapakita ng suporta.—Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.