SUV tumilapon, tumaob sa kanal sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2018 01:52 AM

Tumaob ang isang SUV sa isang kanal matapos tumilapon sa Davao City, Martes ng hapon. ABS-CBN News

DAVAO CITY - Tumilapon at tumaob sa kanal ang isang SUV matapos mawalan ng kontrol ang driver sa Carlos P. Garcia Highway, Bangkal sa Davao City nitong Martes ng hapon.

Nakilala ang driver ng SUV na si Leon Sosa.

Kwento ng driver ng tanker, bigla na lang may bumangga sa likod na bahagi ng sasakyan at nagulat siya nang nakitang dumiretso na sa kanal ang SUV na nakasunod.

Lumalabas rin sa imbestigasyon na bumangga pa sa poste ng barricade ang SUV, na dahilan nang pagkataob.

Nagtamo ng galos ang driver ng SUV na agad isinugod sa ospital.

Paalala ng mga awtoridad, magdahan-dahan sa pagpapatakbo ng sasakyan lalo na kung kurbada ang kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.