Pumatay sa babaeng nagtamo ng 22 saksak, pinaghahanap

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2018 08:52 PM | Updated as of Aug 07 2019 06:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinutugis na ng mga pulis ang dalawang pumatay noong nakaraang linggo sa isang 20 anyos na babae sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Superintendent Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police, pagnanakaw ang pangunahing motibo sa pagpatay kay Shanmaine Pestaño.

Nakipag-agawan umano si Pestaño sa mga salarin nang kuhanin ng mga ito ang bag niyang naglalaman ng mga mahahalagang dokumento habang nilolooban ang kaniyang bahay noong madaling araw ng Biyernes.

"Karumal-dumal na pangyayari na hindi kayang gawin ng isang matinong tao that time," ani Cabatingan.

Base sa port-mortem examination, 22 saksak sa mukha at katawan ang tinamo ng biktima.

Natukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa tulong ng mga testigo, at ang isa sa kanila ay may record pa raw sa paggamit ng droga.

"May mga ilang araw nang may nakikitang umaaligid doon, which is itong grupong ito, alam na alam iyong lugar," ani Cabatingan.

Sinampahan na rin nitong Miyerkoles ng reklamong robbery with homicide ang mga salarin.

Inaalam na kung may iba pang sangkot sa krimen.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.