PatrolPH

Sugatang civet cat, nasagip sa Eastern Samar

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2021 01:41 PM

Sugatang civet cat, nasagip sa Eastern Samar 1
Agad din pinakawalan sa kaniyang natural habitat sa Guiuan, Eastern Samar ang civet cat na ginamot matapos magtamo ng mga sugat. Larawan mula sa Guiuan Marine Resource Protected Landscape and Seascape

Nasagip ng isang grupo ang isang sugatang civet cat sa bayan ng Guiuan sa Eastern Samar.

Ito'y matapos na makatanggap ng impormasyon ang grupo ng Guiuan Marine Resource Protected Landscape and Seascape mula sa isang concerned citizen para mailigtas ang sugatang civet cat noong Hulyo 24 ng gabi sa Barangay 08.

Ito ay dinala sa Community Environment and Natural Resources Borongan Sub-office - Guiuan para magamot ang sugat sa mata at bibig.

Ayon pa sa grupo, tinatayang nasa 5 hanggang 8 taong gulang na ang nasabing civet cat.

Pinakawalan naman noong Huwebes ang civet cat matapos na gumaling na ang mga sugat nito.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.