Navotas Fish Port pansamantalang isasara para sa general cleaning, disinfection

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2020 05:57 AM

MAYNILA - Pansamantalang isasara ang market halls ng Navotas Fish Port (NCFP) simula Sabado, Agosto 1, upang magbigay daan sa buwanang general cleaning at disinfection sa naturang daungan.

Isasara ang market halls 1 hanggang 5, simula ala-1 ng hapon Sabado hanggang ala-1ng hapon ng Linggo.

Inaanyayahan ng pamunuan ng NCFP ang mga nagtitinda sa nasabing lugar na makilahok sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang mga stalls.

Mga 1,898 na ang kabuuang naitalang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod, ayon sa pinakahuling update mula sa lokal na pamahalaan. Nasa 905 sa mga ito ang active COVID-19 cases. 

Pumalo naman sa 900 ang nakarekober sa sakit, habang 93 naman ang namatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.