Higit P40-M halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2020 12:05 AM

MAYNILA - Dalawang marijuana plantation sites sa Tinglayan, Kalinga ang nadiskubre at sinunog ng mga awtoridad sa loob ng 3 araw, mula noong Martes hanggang nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nasa loob ng 8,000 square meters na lote ang dalawang plantation sa Barangay Loccong.

Tinatayang 210,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P42 milyon ang sinunog.

Samantala, isang kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat sa 3 drug suspek sa Ninoy Aquino Ave., Brgy. San Dionisio sa ParaƱaque City. 

Ayon sa PDEA, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang kalibre .38.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.