Barangay sa Paco, Maynila isasailalim sa 'total lockdown'

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2020 06:13 AM

MAYNILA - Isinailalim sa "total lockdown" ang Barangay 815, Paco, Maynila sa Sabado hanggang Linggo dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.

Walang papayagang lumabas ng kanilang bahay kahit pa ang mga nagtatrabaho. Pinayuhan ang mga apektadong empleyado na pumunta sa barangay hall para mabigyan ng certification para sa kanilang pinagtatrabahuan.

Mga frontliners at medical health workers na residente ng Brgy. 815 lang ang pwedeng makalabas ng bahay.

Hanggang Linggo sarado ang lahat ng mga tindahan sa naturang barangay.

Ayon sa pamunuan ng Brgy. 815, magsasagawa sila ng contact tracing sa lugar para malaman ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.