Barangay 142 sa Caloocan isasailalim sa total lockdown

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2020 05:56 PM

MAYNILA - Ipatutupad ang total lockdown sa Barangay 142 sa Caloocan City simula Agosto 1 hanggang Agosto 7 upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Ani Caloocan Mayor Oca Malapitan, may 28 kumpirmadong coronavirus cases sa Barangay 142, batay sa tala ng city health department.

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng relief packs at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga apektadong residente.

Magsasagawa ng contact tracing sa lugar habang paiigtingin ang pagbabantay ng Caloocan police upang masunod ang health protocols.

Batay sa huling tala nitong Hulyo 30, may 2,378 total COVID-19 cases sa Caloocan. Kabilang dito ang 1,526 na pasyente na gumaling sa COVID habang 116 ang namatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.