'Walang anomalya': Operasyon ng lotto ipinabalik ni Duterte

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 11:07 AM

MAYNILA - Maaari nang magpatuloy muli ang operasyon ng lotto outlets sa bansa matapos alisin ng Palasyo ang naunang suspensiyon dito, inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong Martes ng gabi.

"Franchise holders and operators of lotto outlets may now resume with their operations... The lifting of the suspension of lotto operations takes effect immediately," ani sa Panelo.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na ipabalik ang lotto dahil walang nakitang anomalya sa operasyon nito.

Hindi naman sakop ng bagong utos ang iba pang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tulad ng Peryahan ng Bayan, Small Town Lottery (STL) at Keno kaya patuloy ang suspensiyon ng mga ito.

Maaalalang ipinatigil ni Duterte ang mga pasugal ng PCSO dahil sa umano’y katiwalian sa ahensiya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.