State of calamity idineklara sa Guimaras dahil sa dengue

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 06:50 AM

Isinailalim na sa state of calamity ang Guimaras Martes ng hapon dahil sa pagtuloy na pagdami ng kaso ng dengue.

Una nang idineklara ni Guimaras Governor Samuel Gumarin ang dengue outbreak sa lalawigan noong Hulyo 12.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umakyat na sa 893 ang kaso ng dengue sa probinsiya, tumaas ito ng 1,440 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Apat na ang namatay sa lalawigan dahil sa dengue simula Enero 1 hanggang Hulyo 20.

Ayon sa governor's office, gagamitin ang bahagi ng Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) fund para sa pagbili ng larvicides, medical supplies, mosquito nets at dengue rapid test kits.

Magdadagdag din ng mga doktor at nars sa ospital at rural health centers ang provincial government upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng may dengue.—Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.