Rider na umiwas sa tumawid na aso patay nang mabangga sa isa pang motor

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 02:36 AM

BACOLOD CITY—Patay ang isang lalaking sakay sa motorsiklo matapos makabangga ng isa pang motor Martes ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na si Ricardo delos Santos.

Ayon kay Police Master Sergeant Ben Tajonera, iniwasan ni Delos Santos ang tumawid na aso kaya umabot ito sa kabilang lane ng kalsada kung saan naman sumalubong ang motorsiklong minamaneho ni Joeneric Ricafort.

Dagdag pa ni Tajonera, may kabilisan ang takbo ng motorsiklo ni Delos Santos kaya tumilapon ito.

Dead on the spot si Delos Santos habang ginagamot naman sa ospital si Ricafort.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.