Bahagi ng restaurant sa Timog Avenue sa QC, nasunog

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 12:20 AM

MAYNILA—Nasunog ang bahagi ng kusina ng isang steakhouse sa Mother Ignacia corner Timog Avenue sa Quezon City.

Alas-10:30 ng gabi nang itaas sa first alarm ang sunog.

Bigla na lang umanong nakita ng mga staff na makapal ang usok mula sa apoy na galing sa exhaust fan ng kusina.

Napalabas ang mga customer sa restaurant maging ang mga nasa katabing establisimyento.

Wala naman nasugatan sa insidente.

Nagdeklara ng fire out ang mga bumbero 11:48 ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.