Babae patay matapos ma-trap sa sunog sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 07:11 AM | Updated as of Jul 31 2019 07:22 AM

MAYNILA—Patay ang isang babae matapos siyang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barangay 183, Villamor, Pasay City Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Julie Barrios, 32 anyos, na natrap sa loob ng CR.

Watch more in iWant or TFC.tv

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-5 ng madaling-araw at mabilis na lumaki ang sunog dahil dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay.

Idineklarang fire out ang sunog ala-6:22 ng umaga at natupok ang 3 bahay na parehong nasa iisang compound ng pamilya Barrios.

Sa inspeksiyon na ginawa ni Pasay City fire marshal Paul Pili, substandard umano ang pagkakagawa ng mga kawad ng kuryente sa compound at overloading ang naging sanhi ng sunog.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.