4 patay sa pamamaril sa CamSur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 11:28 AM

Kuha ng Bula Municipal Police

Apat ang patay sa pamamaril sa bayan ng Bula, Camarines Sur nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Orlando Baladad, asawa nitong si Chuchi, Rodelio at Nathaniel Pagtolon-an na mga kapatid ni Chuchi.

Ayon sa imbestigasyon, 2 lalaking naka-jacket at sombrero ang pumasok sa isang kainan at pinagbabaril ang mga biktima.

Narekober ang 32 na bala ng kalibre 45 at 9mm sa pinangyarihan ng krimen.

Naglakad lang umano paalis sa lugar ang mga salarin.

Away sa negosyo ang tinitingnang anggulo ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.