PatrolPH

Pari na nagpaputok ng baril dahil sa 'inis', expired na ang lisensiya

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 11:24 AM | Updated as of Jul 31 2018 11:30 AM

Sinampahan na ng Philippine National Police (PNP) ng kasong illegal possession of firearms ang parish priest ng Dumarao, Capiz.

Sabado ng gabi nang paputukin ni Fr. Federico Lim ang kaniyang baril sa galit nang makitang may nag-park ng motorsiklo sa harap ng kumbento sa Poblacion, Ilaya.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, expired na ang lisensiya ng baril ng pari.

Nanawagan naman si PNP Region 6 acting director Chief Superintendent John Bulalacao na isuko ang mga di lisensiyadong baril sa kaniyang lugar na sinasakupan.

"We encourage the community to surrender their loose fire arms to prevent occurrence of crime perpetrated with use of firearms and in preparation for the coming elections on 2019," pakiusap ni Bulalacao.

—Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.