Koreano, nalunod sa Puerto Galera

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 02:49 AM

PUERTO GALERA, Oriental Mindoro - Nalunod ang isang Koreano habang nag-i-snorkeling sa Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Gab Cheol Lee, 51 anyos.

Nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon sa karagatang sakop ng Barangay Sinandigan.

Base sa imbestigasyon, nagpaalam ang biktima sa kaniyang guide habang lulan sa isang bangka na mag-i-snorkeling ito.

Ilang sandali pa, palutang-lutang na ang katawan ni Lee sa bahaging malakas ang daloy ng tubig sa ilalim ng dagat.

Inihahanda na ang mga papeles ng biktima para maiuwi ang bangkay nito sa South Korea. - Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.