8 sasakyan inararo ng SUV sa Makati; 10 sugatan

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 12:51 PM | Updated as of Aug 01 2018 01:14 AM

MAYNILA - Sugatan ang 10 katao matapos salpukin ng isang SUV ang 8 iba pang sasakyan sa Barangay Pitogo sa lungsod ng Makati nitong Martes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa mga pulis, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng Mitsubishi Montero na si Angelita Cajuday, 62, dahil sa mabilis na pagpapatakbo niya habang binabaybay ang Jacinto Street.

Kabilang sa mga binangga ng SUV ay 4 na traysikel, 3 motorsiklo, at 1 Toyota Vios.

Agad namang isinugod ang mga sugatan sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling. - May ulat nina Jerome Lantin, Henry Atuelan, at Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.