4 establisimyento, nasunog sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 06:00 AM

MAYNILA - Nasunog ang 4 na commercial establishment sa isang gusali sa Barangay Novaliches Proper, Quezon City Martes ng madaling-araw.

Isang bumbero ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy pasado alas-2 ng madaling-araw.

Umabot ito sa ikatlong alarma at naapula bago mag-alas-3 ng madaling-araw.

Kinailangan pang basagin ng mga bumbero ang salamin ng gusali para lumabas ang usok.

Nagsimula umano ang apoy sa isang computer shop. Inaalam pa ang sanhi nito.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala sa insidente. - Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.