Lalaking pinagbabaril sa Makati posibleng napagkamalan lang

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2017 04:03 PM

MAYNILA - Patay ang isang electrician matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Makati City, Lunes ng umaga.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang kinilalang si Salvarey Castillo, isang electrician na balak pa umanong bumalik sa pag-aaral.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman sa may pintuan ng kanilang bahay si Castillo kasama ang kanyang kaibigan nang biglang paputukan ng mga salarin. 

Dito sa pintuan ng kanilang bahay sa Brgy Olympia sa Makati nag-iinuman kagabi ang electrician na si Salvarey Castillo at kanyang kaibigan na kinilala sa alyas na Carlo.

Tingangka pa umanong habulin ni Carlo ang namaril na salarin pero mabilis itong nakatakas nang makasakay sa nag-aabang na kasamahang nakamotorsiklo. 

Hinala ng barangay, napagkamalan lang si Castillo, lalo't wala naman umano siyang masamang record. Naiwan ng biktima ang kanyang asawa at 3 maliliit pang mga anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.