High-value target ng PDEA, timbog sa buy-bust

Rex Ruta, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2017 05:51 PM

PUERTO PRINCESA CITY - Timbog sa isinagawang operasyon nitong Linggo ang isa sa mga high-value targets ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ang suspek na si Roland Victor Ladica, alyas Arvic, residente ng Barangay San Pedro.

Arestado si Ladica matapos nitong pagbentahan ng shabu ang asset ng PDEA.

Una nang hinalughog ng mga awtoridad ang kanyang bahay noong Hulyo 14. 

Bagama't wala siya sa kanyang bahay nang araw na iyon, natagpuan naman ang ilang sachet ng shabu na nagkakahalagang P60,000.

Nakumpiska rin mula sa bahay ni Ladica ang ilan pang drug paraphernalia at mga gamit sa pagbebenta ng droga.

Sinampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.