Drayber, nalunod sa ilog sa Lucena City

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2017 10:58 PM

Nalunod sa ilog sa Lucena City Biyernes ng hapon ang isang lalaki. 

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Salvacion, isang 53-taong gulang na driver.

May nakakita umano sa biktima na naliligo sa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan matapos mag-inuman.

May mga kasama rin umanong bata si Salvacion nang huling makita.

Mataas ang lebel ng tubig nang mangyari ang insidente dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa report ng pulisya, ala-una ng hapon nang iulat na nawawala ang biktima.

Umabot umano sa tatlong oras bago nahanap ang katawan ni Salvacion sa mabatong bahagi ng ilog.

Wala umanong nakitang foul play sa insidente.

Nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga residente sa tabing ilog na mag-ingat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.