2 hinihinalang tulak, patay sa buy-bust sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 05:20 AM

 

Dalawang lalaki na hinihinalang tulak ang napatay matapos ang isinagawang buy-bust operation sa madilim na compound sa Beata Street, Pandacan, Maynila.

Nakilala ang mga hinihinalang tulak na sina Reynaldo dela Cruz at isang alias "Ayi".

Ayon sa report ng pulisya, tinangka umanong paputukan ni dela Cruz ang mga operatiba nang makatunog na pulis ang kanilang katransaksyon.

Agad gumanti ang mga pulis at binaril ang mga suspek hanggang sa mapatay ang mga ito.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang .38 kalibre ng baril at mga sachet ng hinihinalang shabu. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.