'Huwag tularan': 'Salvage victim' nakita sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2016 11:13 AM

MANILA - Isa na namang hininalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Maynila, Linggo.

Nakabalot ng packing tape ang buong mukha ng lalaking nakita sa ilalim ng MacArthur Bridge, malapit sa Manila Central Post Office.

Sa gilid ng hindi nakilalang biktima, nakalagay ang isang karatulang nagsasabing "Snatcher, holdaper, akyat-bahay at pusher -- huwag tularan."

Narekober din mula sa bangkay ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Walang nakakita sa pagtatapon ng bangkay sa lugar.

Sinusubukan pa ng mga awtoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktimang nakasuot ng pulang t-shirt at shorts. -- Ulat ni Hajji Kaamiño, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.