PatrolPH

Pahinante, sugatan matapos maipit sa tumagilid na truck

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2021 01:44 PM

Pahinante, sugatan matapos maipit sa tumagilid na truck 1
Naipit ang paa ng pahinante sa pintuan ng truck nang ito ay tumagilid habang kinakargahan ng lupa sa isang quarry site sa Tacloban City. Screengrab mula sa video na kuha ni Kagawad Claro Francisco

Sugatan ang isang pahinante matapos na tumagilid ang sinasakyang truck sa Barangay 94-A, Basper sa Tacloban City, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Kagawad Claro Francisco, naipit sa tumagilid na truck si Julious Merjillo, residente ng Barangay Tigbao.

Sabi ng ilang nakasaksi sa insidente, nagkakarga ang backhoe ng lupa sa nasabing truck nang bigla na lang tumagilid ang truck sa quarry site

Sa pagkataranta, tumalon mula sa truck ang helper kung saan ay naipit naman ang kanang paa niya sa pinto ng sasakyan.

Nilapatan naman siya ng paunang lunas ng mga rumespondeng rescuer bago siya dinala sa Eastern Visayas Regional Medical Center para mas masuri pa ng mga doktor.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.