PatrolPH

P5.2-M halaga ng tanim na marijuana, sinira sa 2 plantasyon sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2021 12:39 AM

Binunot at sinunog ng mga awtoridad ang nasa P5.2 milyong halaga ng mga tanim na marijuana na natagpuan sa 2 plantasyon sa bayan ng Tinglayan, Kalinga Huwebes.

Umabot sa 26,000 na tanim na marijuana ang nadiskubre sa 2 taniman. 

Wala namang inabutang magsasaka o cultivator sa mga plantasyon.

Inabot ng buong araw ang pagbunot at pagsunog sa mga tanim na marijuana. — Ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.