TFC News

Commemorative stamps sa paggunita ng ika-500 taon ng Magellan expedition sa Pilipinas, inilunsad sa Portugal

Jerome Fadriquela | TFC News

Posted at Jul 30 2021 12:37 PM | Updated as of Jul 30 2021 04:01 PM

LISBON – Inilunsad nitong Lunes, July 26 ng Correios, Telégrafos e Telefones (CTT) Correios de Portugal o Portuguese National Postal Office ang tatlong special edition stamps bilang paggunita ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ni Portuguese navigator Fernão de Magalhães o Ferdinand Magellan sa Pilipinas.

Commemorative stamps sa paggunita ng ika-500 taon ng Magellan expedition sa Pilipinas, inilunsad sa Portugal 1

Ang limited-edition Philippine stamps na inilagay sa special packaging ng CTT sa paggunita ng ika-500 taong paglalayag at pagdating ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas (Lisbon PE photo)

Inilalarawan ng tatlong special edition stamps ang kasaysayan tungkol sa manlalayag na si Fernão de Magalhães o Ferdinand Magellan na isang Portuges.  

Commemorative stamps sa paggunita ng ika-500 taon ng Magellan expedition sa Pilipinas, inilunsad sa Portugal 2

 

Makikita sa stamps ang winning artwork ni Filipino artist Bernardo Maac na pinamagatang “Presentation of the Icon”, na nanalo sa Quincentennial Art Competition ng Philippine National Quincentennial Committee (€2.50 stamp); ang imahe ng Sto. Nino de Cebu (€1.00 stamp); at ang iconic image ng Magellan’s Cross sa Cebu City (€0.54 stamp). 

Commemorative stamps sa paggunita ng ika-500 taon ng Magellan expedition sa Pilipinas, inilunsad sa Portugal 3
 

Naging posible ang commemorative stamp project dahil sa pagtutulungan ng CTT Correios de Portugal, Estrutura de Missão para as Comemorações do V Centenário de Fernão de Magalhães (EMCFM), ang Portuguese counterpart ng ating National Quincentennial Committee, at ng Philippine Embassy sa Lisbon.

Isa lang ang commemorative stamp project sa serye ng pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Lisbon at EMCFM para gunitain ang ika-500 anibersaryo ng Magellan Expedition at ang unang circumnavigation o paglalayag paikot ng mundo.

Panoorin ang mga nagbabagang balita tungkol sa mga kababayan natin sa buong mundo sa TFC News sa TV Patrol.

(Source: DFA website/ PE Lisbon)