Pilipinas may 3,954 bagong COVID-19 cases; kabuuan sumampa sa 89,374

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2020 08:48 PM

MANILA — Sumirit sa 89,374 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos madagdagan ito ng 3,954 nitong Huwebes, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ito ang pinakamataas na dagdag na kaso sa isang araw.

Sa datos ng DOH, 1,320 dito ang "fresh cases," o nakumpirma sa nakalipas na 3 araw habang 2,634 naman ay "late cases," o naberipika 4 araw o higit pa ang nakalipas. 

Kasabay nito, nagtala naman ng 38,075 bagong recoveries sa sakit kaya aabot na sa 65,064 ang mga gumaling sa COVID-19. 

Ito rin ang pinakamataas na bilang ng mga naitalang recoveries sa loob ng isang araw. 

Samantala, 23 naman ang bagong namatay sa sakit kaya umabot na sa 1,983 ang kabuuang nasawi. 


—Mula sa ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.