PatrolPH

Bacolod City nakapagtala ng 24 bagong COVID-19 cases; 2 iba pa, sa Negros Occ.

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2020 12:55 AM | Updated as of Jul 30 2020 02:43 PM

NEGROS OCCIDENTAL (UPDATE) - Nakapagtala ng 24 na bagong COVID-19 cases ang Bacolod City at 2 naman sa magkaibang lungsod sa Negros Occidental, ayon sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) Western Visayas nitong Miyerkoles.

Sa mga bagong kaso sa Bacolod City, isang 3 anyos na lalaki ang pinakabatang pasyente na nasa quarantine facility na ngayon kasama ang karamihan sa mga nagpositibo.

Kabilang ang nasabing bata sa mga nakauwi sa lungsod matapos ma-stranded sa Maynila.

Samantala, 4 naman sa mga nagpositibo ang kasalukuyang nagpapagaling sa iba't ibang ospital ng siyudad. May ibang 8 rin ang naka-home quarantine.

Sa Bago City, isang 39 anyos na ginang ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa lalawigan ng Negros Occidental. Kasalukuyan itong naka-home quarantine.

Isang 35 anyos naman na lalaki sa La Carlota City ang nagpositibo rin sa sakit. Nagpapagaling na ito sa quarantine facility ng lungsod. - Ulat ni Mitch Lipa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.