NBI official nagpositibo sa COVID-19

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2020 11:30 PM | Updated as of Jul 31 2020 03:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Kinumpirma ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra nitong Huwebes, subalit tumanggi ang kalihim na banggitin pa ang pagkakakilanlan ng naturang opisyal. 

Ayon sa kalihim, naka-quarantine na ang naturang NBI official. 

Ayon naman kay DOJ spokesman Markk Perete, sa Facebook post na lang din ng naturang opisyal ng NBI niya nalaman na mayroong nagpositibo dito sa COVID-19 virus. 

Tiniyak naman ni Guevarra na ginawa na rin ng NBI ang lahat ng kinakailangang pag-iingat kabilang na ang pagpapatupad ng temporary shutdown sa mga opisina ng NBI. 

Nagsasagawa narin anya ng contact tracing at naka-self quarantine na ang ilan sa mga ito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.