Ilang kongresista nais palawigin ang pilot-testing ng motorcycle taxis

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2020 11:08 PM | Updated as of Jul 31 2020 11:06 AM

MAYNILA - Nagmosyon ang ilang Kongresista nitong Huwebes na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pilot-testing sa motorcycle taxis sa Metro Manila at sa iba pang lugar na pinapayagan ito.

Kasama sa mga nagmosyon ay sina Quezon City Rep. Precious Hipolito at Iloilo Rep. Jam Baronda.

Pero sa pagtatanong ni ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro, iginiit nito na siya rin ay magmomosyon upang iurong na pansamantala ang pagpapatupad ng motorcycle barriers dahil sa peligro na dulot nito.

Giit kasi ng ilang kongresista, maaaring magdulot ng aksidente ang paglalagay nito dahil sa pagiging sagabal nito sa aerodynamics ng motorsiklo.

Ipinakita naman ng ride-hailing firm na Angkas na na ang ginawa nitong motorcycle barrier ay hindi gawa sa acrylic, pero sa polyethylene plastic na hindi mababasag sakaling masangkot sa aksidente.

Ipinakita rin nito ang pagbibigay proteksiyon sa driver at pasahero ng motorcycle taxis.--Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.